Noong nakaraang buwan, sa paglulunsad ng ikalawang edisyon ng Night Owl: A Nationbuilder’s Manual, ipinakita rin namin ang edisyong Filipino ng libro. Ang layunin namin ay maibahagi ang kuwento ng Build, Build, Build sa mas maraming Pilipino, lalo na sa mga mas bihasa sa ating pambansang wika.

Malapit na rin magkaroon ng Night Owl sa wikang Bisaya at Ilokano. Nais naming maabot ang mas maraming Pilipino at maipabatid kung paano nakikinabang ang ating mga mamamayan sa mga pagsisikap ng nakaraang administrasyon, na ipinagpapatuloy ng kasalukuyang pamunuan, na mamuhunan sa imprastraktura.

Ang mga aklat na ito ay magsisilbi rin na pagbibigay-pugay sa dalawang pinuno — si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, isang Bisaya, na nagsumikap na makumpleto ang 29,264 kilometrong mga kalsada, 5,950 na mga tulay, 11,340 estrukturang pang-iwas ng baha, 222 evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 214 na mga proyekto sa paliparan, at 451 na mga proyektong daungan sa loob ng limang taon; at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isang Ilokano, na tumutupad sa kaniyang pangakong ipagpatuloy ang mga proyektong pang-imprastraktura ng nakaraang administrasyon.

Higit na pahahalagahan ng mga Pilipino na ang katutubong wika ay Bisaya o Ilokano ang salaysay ng Build, Build, Build. Mahalaga ito para mas maraming Pilipino ang makaunawa sa kahalagahan ng mga proyektong pang-imprastraktura upang palakasin ang lokal na ekonomiya at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino lalo na sa mga nasa kanayunan.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Kasama rin sa mga bersyong ito ng aklat ang isang kabanata sa digital infrastructure program ni Pangulong Marcos sa ilalim ng Build Better More thrust — na magpapatuloy sa Build, Build, Build habang isinasama ang isang malakas na digital infrastructure program upang matiyak na ang lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access sa abot-kaya at maaasahang internet — na magbibigay sa mga Pilipino hindi lamang ng mga pagkakataong matuto ng mga bagong teknolohiya kundi pati na rin ng access sa online learning, telemedicine, online banking, at iba pang digital services.

Malapit na nating maibahagi ang kuwento ng Night Owl sa ating mga kababayan na Bisaya at Ilokano.