CAGAYAN -- Patuloy ang pagbabantay ng Provincial Veterinary Office (PVET) sa tangka ng bird flusa ilang bayan dito.
Kumuha na rin ng blood sample ang Office of the Provincial Veterinarian sa siyam na bayan upang matukoy kung mayroong bird flu partikular ang avian influenza H5N1 strain sa Cagayan.
Ang H5N1 ay isang uri ng sakit na nagmumula sa mga alagang manok at itik.
Sinabi ng PVET, lahat ng nakolektang dugo at swabbing samples ay naisumite na sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) sa Tuguegarao City at ang resulta ay ilalabas pagkatapos ng isang linggo.