Halos isang araw lang matapos ang tila pa-soft launch na umano nina James Reid at Issa Pressman sa Instagram bilang romantic partners, kapansin-pansin naman ang nag-alburutong netizens na hindi naging masaya sa paandar ng dalawa.

Habang nakapatay na ang comment section ni Issa at burado na rin ang lang “hate comment” sa kaniyang kontrobersyal na ngayong Instagram post, tila wala namang pakialam ang actor-singer sa litanya ng libu-libong netizens.

View this post on Instagram

A post shared by James Reid (@james)

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Halos 22 oras matapos ang pinag-usapang IG post nitong Huwebes, kapansin-pansin pa rin ang walang kaabug-abog na pagkondena ng marami sa aktor sa comment section.

Basahin: Issa Pressman, may pa-‘soft launch’ kasama si James Reid; netizens, nanggigil? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang akusasyon kasi nila ay kasunod ng isyu noong 2020 kung saan ay unang nasangkot na noon si Issa na dahilan umano ng hiwalayan ng aktor sa dating kasintahan na si Nadine Lustre.

Kung matatandaan ay todo tanggol pa noon ang kapatid ni Issa na si Yassi para pabulaanan ang tsismis!

Basahin: Netizens, binalikan ang post ni Yassi Pressman hinggil sa pagtatanggol kay Issa noong 2020 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Anyway, hindi lang sa buong puwersang pagratrat kay James ang ipinakita ng fans sa pagkadismaya nila sa aktor.

Sa late nang pagtatala ng Balita, alas-tres ng hapon, Biyernes, ay nasa 7,265,431 ang noo’y followers ni James.

Makalipas lang ang halos limang oras, halos 6,000 followers ang kumalas sa aktor sa naturang social media platform. Pag-wonder tuloy ng team, ilang libong followers na kaya ang nalagas kay James mula nang pumutok ang isyu gabi ng Huwebes, Marso 16?

Sa pag-uulat, mayroong eksaktong 7,259,755 followers ang IG ng aktor. Magpapatuloy pa kaya itong malagasan sa susunod na mga oras?

Samantala, wala pa ring reaksyon sina James at Issa sa pangungundena ng netizens. Maging si Nadine ay wala pa ring sey sa isyu.