Sa kabila ng mga balita hinggil sa umano'y gulo sa loob ng 'Eat Bulaga,' muling inawit nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang theme song ng nasabing longest running noontime show. 

Nitong Sabado, muling inawit ng OG hosts ang theme song ng Eat Bulaga. 

Matapos kumanta, binanggit ni Tito na si Vic mismo ang nag-compose nito at si Joey naman naka-imbento ng salitang 'Eat Bulaga.'

"Sa mga kabataan, para sa mga Diva at mas bata pa sa kanila. Nililinaw ko lang ang nag-compose ng kantang 'Eat Bulaga' si Vic Sotto. Ang nag-imbento ng salitang 'Eat Bulaga' ay si Joey de Leon," anang dating senador.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Birong tanong naman ni Joey kay Tito, "Si Vic nag-compose ng kanta, ako nakaisip ng Eat Bulaga, anong ginawa mo?"

"Ako manager," sagot naman ni Tito. 

Matatandaang isiniwalat ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na maaaring mawala sa “Eat Bulaga” ang mga OG host dahil may ‘internal problem’ umano ang longest noontime show.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/02/may-matinding-gulo-tvj-puwedeng-mawala-sa-eat-bulaga-sey-ni-cristy/

Dahil sa naturang song number, tila naging emosyonal sa Twitter ang mga netizen at iniisip kung may koneksyon ang pagkanta ng TVJ sa naturang isyu.

"First time ko manood ng Eat Bulaga in a long time. May parinig na ang TVJ. Si Joey daw ang nagpangalan sa show at si Vic ang gumawa ng theme song. Mukha ngang totoo ang tsismis, kasi little miss diva ang contest, tapos biglang may ganung chika ang mga thunders"

"HOLY SHIII— TVJ sang the Eat Bulaga theme song. That’s rare. Kinda confirms that the issue is true"

"Nakaka-touch! TVJ and "the" dabarkads sung EB's iconic theme song w/ the Little Miss Diva finalists. This is this despite the issue they are faced with. Naalala ko 'yung tagline nila, "Hangga't may bata, may Eat Bulaga!". Para silang jeepney. Parte na ng ating kultura."

"First time ko nag goosebumps sa theme song ng Eat Bulaga nung kinanta ng TVJ kanina. Feeling ko mas may lalim ngayon yung line na, "Buong bansa ay nagkakaisa sa tuwa't saya na aming dala." At low key pa silang nag pahaging sa EB issue."

"Yung marites na ikinakabuhay yata ang pagkakalat ng tsismis, hanggat andyan si Vic na nagcompose ng theme song, si Joey @AngPoetNyo na nagpangalan ng #EatBulaga, at si Tito Sen @sotto_tito bilang manager, hindi madidisbanda ang @EatBulaga. Dahil hanggat may bata, may Eat Bulaga."

"oo nga ano? Si Joey ang nagbigay ng title sa show, at si Vic ang composer ng theme song. So, if totoo mang aalisin sila sa roster for rebranding, di nila pwedeng kunin yung "Eat Bulaga" as title and music para sa show, sabi nga ni Willie respeto na lang. Tnx Tito"

"only TVJ can make us feel makatindig balahibo pag kinakanta ang theme song ng @EatBulaga"

"Naiiyak ako kapag kinanta ko yung theme song ng Eat Bulaga! Institusyon na yan eh."

"One of the first songs I learned was the Eat Bulaga theme song. Until now I can sing it acapella. Hearing it brings back memories of our childhood lalo na at bawal kaming lumabas tuwing tanghali para maglaro at ang pampalipas oras ay panonood ng our favorite show."

"Goosebumps nung kinanta ng TVJ yung theme song ng Eat Bulaga. Is this the sign?"