Nakasamsam kaagad ng ₱747 milyong halaga ng iligal na droga ang Philippine National Police (PNP) sa loob ng 45 araw na operasyon nito ngayong taon.
Sa datos ng PNP Directorate for Intelligence, nakaaresto rin ang pulisya ng kabuuang 692 big-time drug pushers at 5,588 street level drug personalities.
Isinagawa ang sunud-sunod na anti-illegal drugs operation simula Enero 1 hanggang Pebrero 15.
"I am proud to extend my warmest congratulations to the dedicated and hardworking men and women of the Philippine National Police for their successful anti-illegal drug operations. Your unwavering commitment and tireless efforts have yielded outstanding results, and we are all grateful for your eagerness to rid the streets of harmful illegal drugs," pagbibigay-diin naman ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr..
Aniya, malaki ang naging partisipasyon ng komunidad sa nasabing operasyon ng pulisya.
"Let us continue to work together to maintain the gains of this operation and to build a safer, more secure, and drug-free Philippines," dagdag pa ni Azurin.