December 09, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Netizen nagtataka sa ibang babae: 'Bakit mga mukhang tulingan ang may asawa?'

Netizen nagtataka sa ibang babae: 'Bakit mga mukhang tulingan ang may asawa?'
Photo courtesy: Freepik

Isa ka rin ba sa mga nagtataka kung bakit maraming babaeng masasabing beauty and brains, sexy, may nice personality, mayaman at independent women pero malalaman mong single pala by choice?

Iyan kasi ang usap-usapan sa Facebook page na "PESO SENSE" kung saan isang OFW ang naglatag ng kaniyang mga obserbasyon, batay sa kaniyang mga kakilala.

Aniya, nagtataka siya kung bakit ang mga babaeng kakilala niya na maganda, matalino, mayaman, sexy at mabait na babae, sila pa raw ang mga single.

Single na nangangahulugang wala pang asawa, wala pang anak, at lalong walang boyfriend o karelasyon.

Human-Interest

Kagaya ng toys: Mga kulay, genderless din giit ng mommy-vlogger

Samantalang ang ibang babae raw, na inilarawan at ikinumpara niya sa isang uri ng isda na kung tawagin ay "tulingan," ay may asawa, anak, o lover.

"Share ko lang ang opinion ko. Napapansin ko kasi kung sino pa ung maganda, matalino, mayaman, sexy at mabait na babae un pa ang mga single," mababasa sa post noong Oktubre 29.

"Ung observation ko base sa mga kakilala kong girls at ung iba mga former batchmates ko sa school at ung iba workmates ko both Filipina and foreigner. OFW kasi ako."

"Lahat ng 'complete package' girls meaning halos lahat nasa kanila na. Beauty and brains, sexy, nice personality, mayaman and independent women. Tapos magugulat ka na walang boyfriend or asawa!Take note hindi sila lesbians ha."

"When I say single eh hindi ung mga single mother. Ung LEGIT na single talaga. Never been married and no kids at all.

Tapos kung sino ung mukhang 'tulingan' eh un pa ang may mga asawa hehehe. Ung iba nga happily married pa. Ung mga babae sobrang average and below average looking tapos un iba nga wala pang pinag-aralan tapos nakatagpo ng forever nila."

"Minsan mapapaisip ka nlang din eh, as the saying goes the irony of life," nasabi na lamang ng di-tinukoy na sender.

Nagbigay pa ng halimbawa ang nabanggit na sender. May mga nakausap daw siyang single lady na piniling maging single dahil hindi pa dumarating ang "tamang tao" para sa kaniya. Ang isa naman, ayaw raw matulad sa nangyari sa nanay niya.

"Like for example I have a friend. She is in early 40’s na pero infairness maganda pa din siya. Matalino, graduated cum laude from a reputable school, maganda ang work, earning 6 -digit income salary, well-off din siya sariling sikap nia, may bahay, car, investments at kung anu anu pa siya. Un lang single siya. When I ask her if it is a choice, sabi nia hindi naman daw, hindi lang daw talaga dumating ung tamang guy sa life niya."

"Merun din isa pa girl na kakilala ko, complete package girl din. When I ask why single siya for sure maraming lalaki nagkakagusto sa kniya. Ang sagot nia is ayaw daw niya matulad sa nanay nia. Na- pressure mag asawa ng mga kamaganak kasi nag-kakaedad na kaya kahit ung tatay nia eh no education, iresponsable at lasenggo pinatulan ng nanay nia. She grew up in a dysfuntional family and poverty at ayaw na daw nia maulit ang ganung buhay."

Kaya tanong ng nabanggit na sender sa madlang netizens, "Agree ba kayo sa observation ko na kung sino pa ang complete package women eh un pa ang mga single and loveless?"

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Unang una wala kang 'right' mangialam ng buhay ng iba dahil may sarili kang buhay. Pakialaman mo sila kung ikaw ang naglalagay ng pagkain sa hapag kainan nila. And wag kang magcocompare ng hitsura at kung anong buhay meron sila dahil iba iba tayo ng struggles sa buhay. Yung sinasabi mong mukang tulingan ay baka lagi silang nasa bahay at nag aalaga ng anak pero once ma-make over at nakapag ayos sila ay maganda yan sila. Don't be quick to judge."

"Grabe naman k nman sender mukhang 'TULINGAN' talaga..ung ibang hindi tumitingin sa physical n anyo ng tao."

"Great minds talk about ideas, average minds talk about events, and small minds talk about people. To answer your question, kaming mga 'mukhang tulingan' (na-generalize kasi eh maybe small yung world mo) some of us are also strong independent woman, achiever, complete package, etc before we met the right person in our life. We just chose to be more feminine traditionally / submissive (some of us). Remember we only have few decades in our life. 5 decades? 6 or 7 decades? Un iba hindi na umaabot ng 3 or 4 decades? So un concern mo is small thing in this short life. Try to broaden your knowledge and your world para hindi ibang buhay ng tao pinoproblema mo."

"Isa ka ba sa mga all-in-one package? Hahaha. Not everything you see on the surface is as perfect as they are in all aspects. Mahirap makakita ng ka-compatible sa totoo lang. And beauty is in the eye of the beholder. Some men they don't just look after the physical appearance. Ang tinitingnan nila ugali. Marriage and parenting is not for everyone. If you cannot be selfless even a bit well it's not for you. And yung nga 'tulingan' na sinasabi mo before they become 'tulingan' like how you perceive them in their current situation eh naging all-in-one package rin naman yung iba. It's just that marriage and parenting really take a great toll in one's life. It is not for the weak."

"Malapit or sa ilalim po ba kayo ng dagat nakatira?"

"Masarap kasi ang sabaw ng tulingan kesa jan sa complete package na sinasabi mo.(just kidding). Simple lng ang sagot jan,mataas ang standard nila. Pero deep inside,gustong gusto ng mga iyan mag asawa.Asking for a friend."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 1.6k reactions, 263 shares, at 1.8k comments ang nabanggit na post.

Ikaw Ka-Balita, ano sa palagay mo?

-----------------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.