Sinisi ng fans sa Facebook memories ang muli na namang paglitaw ng isang larawan ng noo’y magkarelasyong sina James Reid at Nadine Lustre na tila aakalaing walang nagbabadyang hiwalayan na magaganap noon.

Sa larawang ibinahagi ng aktres noong Pebrero 2019, makikita ang nakaakmang paghalik ni Nadine sa nakangiting si James.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Only growing, never slowing, next to you, ❤️” mababasa pang sweet na caption ni Nadine sa larawan.

Tila hindi naman kinakaya pa rin ng masugid na fans ang matagal nang hiwalayang dating power couple.

“Hahayy😔Ako lang din ba tong hangang Ngayon ini imagine ko na Sila parin talaga😊😊❤️❤️JaDine lang nagbibigay saya sakin nawawala stress ko pag nakikita ko mga pic nila. .until now nag hihintay na magbalikan Sila🤗😁kahit lam Kong parang anlabona..pero both parin Akong sumosuporta sa dalawa, 💖🥰🥰” komento ng isang fan.

“Forever in our Hearts that ILOVEYOU still echoes in my mind and memory remains ALWAYS,” segunda ng isa pa.

“missed u parents!”

“JaDine.always forever bless you both!”

Samantala, ilang JaDine fans naman ang tila nagpaalala muli sa kaniya-kaniya nang buhay ng dalawa na dapat na rin aniyang respetuhin nila bilang fans.

Basahin: ‘Lovescene’ album, ‘saddest confession’ ni James Reid kay Nadine Lustre, anang fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang Enero 2020 nang maghiwalay ang showbiz couple matapos ang kanilang apat na taong relasyon.

Matapos ang dalawang taon, napabalita naman ang bagong relasyon ni Nadine sa Filipino-French businessman na si Christopher Bariou nitong 2022.

Basahin: Walang tinira! Mga larawan, bakas ni Nadine Lustre sa IG ni James Reid, burado na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Nobyembre 2022 naman nang mapansin ng fans na tuluyan nang binura ni James ang mga larawan at bakas ni Nadine sa kaniyang Instagram account.