“It is a historic day for feminist progress.”

Ito ang winika ni Equality Minister Irene Montero ng Spain matapos tuluyang aprubahan ng kanilang lehislatura nitong Huwebes, Pebrero 16, ang batas na magbibigay ng paid medical leave sa kababaihang nakararanas ng severe period pain.

Sa ulat ng Agence France Presse, 185 ang sumang-ayon habang 145 naman ang tumutol sa ‘Menstrual Leave’, dahilan ng pagsasabatas nito.

“Periods will no longer be taboo,” ani Montero matapos inisyal na maaprubahan ang batas sa gabinete noong Mayo 2022. “No more going to work with pain, no more taking pills before arriving at work and having to hide the fact we’re in pain that makes us unable to work.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa ilalim ng bagong batas, magkakaroon ng pagkakataon ang mga empleyadong nakararanas ng menstrual pain ng kinakailangan nilang pahinga. Ang state social security system — at hindi ang kanilang employers — ang kukuha ng tab para sa kanilang sick leave.

Tulad din ng ibang paid leave na may kinalaman sa kalusugan, kakailanganin ng pag-apruba ng doktor sa pagpapasa ng menstrual leave. Samantala, hindi naman daw tinukoy sa batas ang haba ng ganitong klaseng sick leave.

Ang ‘Menstrual Leave’ sa Spain ang kauna-unahang naisabatas sa mga bansa sa Europa.

Sa kasalukuyan ay ipinatutupad pa lamang ang nasabing batas sa iilang mga bansa tulad ng Japan, Indonesia, at Zambia.