Napuno ng emosyon ang huling ranking at elimination ng reality survival show na “Dream Maker” ng ABS-CBN nitong nagdaang weekend, kung saan 16 na dream chasers lamang ang umabante at may pagkakataon pang mailunsad sa Korea para maging bahagi ng isang global pop group.

Nanguna sa ranking ang 22-year-old na si Vinci Malizon na nakakuha ng pinaka-mataas na puntos mula sa pinagsamang mentors score at public votes. Sinundan naman siya ng 13-year-old na si Marcus Cabais. Silang dalawa ay nakakuha ng higit tig-isang milyong boto mula sa taumbayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/dreammakerofc/status/1622241411050651648?s=46&t=WWTINJ68jBLBBn5gZ9JMew

“Going to the finale is certainly a pressure na ma-maintain ‘yung spot ko sa number one but for me, ang focus ko lang is to give the best performance I can give,” lahad ni Vinci.

“I hope to leave a mark here in this stage and perform the best way I can,” dagdag niya pa.

Samantala, matagumpay na naka-pasok sa “Dream 7” si Kyler Chua na ngayon ay nasa ikatlong pwesto, habang si Reyster Yton ay nanatili naman sa ika-apat na pwesto. Ang dating top 1 na si Jeromy Batac nalaglag naman sa ika-limang pwesto, gayundin si Winston Pineda na bumaba sa ika-anim na pwesto. Si Wilson Budoy naman ay nanatili sa kanyang ikapitong pwesto.

Na-eliminate at hindi na magpapatuloy sa kompetisyon sina Russu Laurente, Denrich Ang, Neil Limbaga, Joshua Nubla, Jules Indiola, Asi Gatdula, Luiz Aguaviva, Josh Worsley, Pan-pan Rosas, Anjo Sarnate, Ron Castillo, at Ishiro Incapas na naging emosyonal sa pagkakatanggal niya.

Sina Jay-R Albino, Jom Aceron, Josh Labing-isa, Kim Ng, Macky Tuason, Matt Cruz, Prince Encelan, at Thad Sune naman ang kumumpleto sa Top 16 at maglalaban-laban sa finale na gaganapin sa Caloocan Sports Complex.

Larawan mula sa Dream Maker Twitter Account

Larawan mula sa Dream Maker Twitter Account

Inanunsyo naman ng host na si Kim Chiu na sa darating na finale, tanging boto mula sa taumbayan na lang ang magiging basehan kung sino-sino ang makakapasok sa “Dream 7.”

Umani naman ng reaksyon mula sa fans ang twist na ito sa nasabing kompetisyon at anila, dapat may sey pa rin ang Korean mentors sa mga makaka-pwestong dream chasers.

Mapapanood ang “Dream Maker” tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.