Umabot na sa 50,262,059 na national identification (ID) card ang naipamahagi na ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa naturang bilang, 30,558,332 na ang naimprentang national ID habang nasa19,703,727 naman ang naimprentang ePhilIDs o PhilSys digital ID, ayon sa pahayag niPSA Undersecretary, National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa sa isang television interview.
"The PSA, together with its field offices and partner agencies, implemented strategies to provide more Filipinos with the national ID to enable immediate utilization of PhilSys benefits. This landmark milestone is a testament that our initiatives are effective,” paliwanag ni Mapa.
Tumutulong na rin aniya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag-iimprenta ng ID para mai-deliver kaagad ng Philippine Postal Corporation.
Kaugnay nito, nagrereklamo naman ang ilang aplikante dahil wala pa rin silang natatanggap na ID mahigit isang taon ang nakararaan.
Sa pahayag ni Franelll Gayo, 46, taga-Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City, nag-apply siya ng national ID sa PSA Main Office sa Quezon City noong Oktubre 2021.
"Sabi nila (PSA) sa amin, 3-6 months ay idi-deliver na sa amin ang ID. Pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring kaming natatanggap," himutok ni Gayo.
"Baka hindi totoo ang ID na 'yan. Hangga't wala pa akong hawak na ID card), hindi ako naniniwala na mayroong national ID," sabi pa nito.
Sabi naman ni Edgar Constantino, taga-nasabi ring lugar, matagal na rin siyang nag-apply ng national ID. Gayunman, wala pa rin siyang natatanggap.
Matatandaang inoobliga ang mga Pinoy na kumuha ng national ID alinsunod na rin sa Philippine Identification System Act na naging batas noong 2018.
Layunin ng batas na magkaroon ngsingle national identification system para sa mamamayan sa bansa upang gawing simple angpublic at private transaction at iba pang serbisyong panlipunan sa bansa.