Usap-usapan ang umano'y nalalapit na pagbabalik ng tinaguriang “Fearless Diva” na si Jonalyn Viray sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To” ngayong darating na Linggo, Pebrero 5.

Sa isang tweet mula mismo sa official account ng nasabing programa, nagbigay ito ng patikim sa sinasabing comeback ng singer na agad namang hinulaan at inaabangan na ng netizens, kasabay ng hiling ng mga ito na ibalik na ang segment na “ASAP Birit Queens” ngayong makukumpleto na muli ang mga miyembro nito sa iisang entablado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/asapofficial/status/1620692316364365825?s=46&t=jk9R8GmewBFRhgMJj92VMw

Matatandaang taong 2021 nang pansamantalang lumiban si Jona sa ASAP para tutukan ang ilang di umano’y personal matters, kabilang na ang pagtutok sa animal shelter na kaniyang nabili. Naging hurado rin ang singer sa “Sing Galing” na umere kamakailan sa TV5.

Bagama’t matagal-tagal ding hindi napanood si Jona, hindi naman nawala ang kaniyang mga taga-suporta na pawang excited sa nalalapit niyang pagbabalik sa ASAP stage.

https://twitter.com/altstarmagic/status/1620696395291279361?s=46&t=jk9R8GmewBFRhgMJj92VMw

Taong 2016 nang lumipat si Jona sa ABS-CBN at nagbigay-buhay sa mga awitin ng iba’t ibang Kapamilya teleserye gaya ng “Pusong Ligaw,” “Asintado,” at “Init sa Magdamag.”