Kontrolado na ang mga kaso ng anthrax sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Martes.

Base sa ulat ng DOH Epidemiology Bureau at Regional Epidemiology Surveillance Unit ng Region II, hanggang nitong Enero 3 ay wala na silang naitalang karagdagang human cases ng anthrax.

Wala rin umanong karagdagan pang kaso ng mga kalabaw na namatay dahil dito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"According to the latest reports from the DOH Epidemiology Bureau and the Regional Epidemiology Surveillance Unit of Region II, there has been no additional human cases of anthrax recorded and no additional deaths among carabaos as of January 3, 2023," pahayag pa ng DOH.

"The health event has now been tagged as controlled," dagdag pa nito.

Una nang iniulat ng DOH na may tatlong tao sa Cagayan ang nagpositibo sa anthrax.

"There was a total of 12 suspect cases reported as of December 22, 2022, of which, 3 tested positive for Bacillus anthracis via PCR," anang DOH.

Ang mga ito ay kumain anila ng karne ng mga kalabaw na may sakit o namatay sa Sto. Niño, Cagayan noong Nobyembre.

Nilinaw naman ng DOH na ang mga kaso ng anthrax ay hindi konektado sa anumang akto ng terorismo.

Ang anthrax ay isang impeksyon na dala ng bacteria na karaniwang nakukuha sa lupa.

Ito anila ay isang zoonotic disease na maaaring maihawa ng hayop sa tao, sa pamamagitan ng direct skin contact o pagkonsumo ng kontaminadong pagkain at inumin.