Nasa 94.45 porsyento na ng puntiryang populasyon sa bansa ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Sumatotal nasa humigit 73.7 milyon na ang bakunado sa ating bansa or 94.45% ng ating targeted or eligible population,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa isang pulong balitaan nitong Huwebes.

Nasa 21.1 milyon na sa naturang bilang ang nakatanggap ng booster shot.

Naturukan naman ng second booster shot ang 3.7 milyon sa kabuuang bilang nito.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Idinagdag pa ng DOH, puspusan pa rin ang isinasagawang pagbabakuna upang tuluyan nang maprotektahan ang mamamayan laban sa sakit.