Umaabot na sa 32 ang kabuuang bilang ng fireworks-related injuries (FWRI) na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Ito'y matapos na madagdagan pa ng pitong kaso, hanggang alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 28, Miyerkules.

Base sa datos ng DOH, nabatid na mas mataas ang naturang bilang ng 39% kumpara sa 23 lamang sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

"Mula kahapon, Dec. 27, 7 ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals," anang DOH.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay 32 na mas mataas ng 39 porsiyento kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa," dagdag pa ng DOH.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang publiko na umiwas sa paggamit ng paputok upang maging ligtas ang pagdiriwang nila ng Bagong Taon.