Ipinasasara na ng Pasig City government ang mga online gambling establishments sa lungsod.

Sa isang tweet nitong Martes, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mayroon lamang isang taon ang mga naturang online gambling establishments upang tuluyang isara ang kanilang operasyon.

Alinsunod aniya ito sa Ordinance 55 Series of 2022, na nilagdaan ng Pasig City council noong Disyembre 15 lamang at kaagad ring naging epektibo.

“Ordinance 55, s-22. Existing online gambling establishments in Pasig have 1 yr (2023) to wind up operations,” tweet pa ng alkalde.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Sa naturang tweet, nag-attached din si Sotto ng kopya ng naturang ordinansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Sotto na ang mga bagong online gambling establishments kabilang ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay hindi na rin nila bibigyan ng permits.

“While we have seen the social ills of these forms of gambling (nabalitaan niyo ba yung nanay na sinangla yung anak?), that's not all. I take it as a personal insult when there are ‘alleged’ offers of bribes every permit renewal season. Kung lehitimo ba't kailangan ng lagay lagay,” aniya pa.

https://twitter.com/VicoSotto/status/1607565670279176192

Nabatid na sa ilalim ng naturang ordinansa, hindi na pahihintulutan ang operasyon, aplikasyon at pag-apruba sa mga licenses to operate ng mga online games of chance sa lungsod.

Nagtakda rin sila ng isang taon para sa cessation o tuluyang pagtitigl ng mga operating establishments, gaya ng online casinos, e-games, online sabong, e-bingo outlets, online poker, computer gaming stations at iba pa.

Sakop rin ng ordinansa ang operasyon ng service providers na nagkakaloob ng technical support ng mga naturang palaro.

“Any person, natural or juridical, who is found liable for violating this Ordinance shall be fined in the amount of P5,000 or an imprisonment for a period of one year, or both in the discretion of the court,” bahagi pa ng ordinansa.