Posible umanong tumaas pa at pumalo na sa hanggang 4,114 ang maitatalang arawangCovid-19infections sa bansa simula sa Enero 15, 2023, bunsod na rin nang inaasahang pagtaas pa ng mobility ng mga tao ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Department of Health (DOH) na angCovid-19cases sa bansa ay nasa ‘plateau’ ngayon, sa numerong 973 average daily cases mula Disyembre 16 hanggang 22, 2022 lamang.

Ito anila ay limang porsiyentong mas mababa kumpara sa naitala noong nakaraang linggo.

“Nationally, detectedCovid-19cases are at a plateau with 973 average daily cases for the week of December 16 to 22, 2022. This is 5% lower than what was reported last week,” anang DOH.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“On December 21, the country recorded a 21.73% utilization rate of total availableCovid-19beds; Moreover, severe and critical admissions made up 10.57% of totalCovid-19related admissions, including those in the emergency room,” dagdag pa nito.

Gayunman, bunsod na rin anila nang pagtaas ng mobility ng mga tao ngayong holiday season, inaasahan na umano nilang posibleng tumaas ito pagsapit ng Enero.

Sa ilalim anila ng senaryong ito, maaaring umabot rin sa 2,252 ang severe at critical admissions sa kalagitnaan ng Enero.

“With the expected increase in mobility during the holiday season, projections made by the FASSSTER team estimate daily cases in the country to reach 4,114 by January 15,” ayon sa ahensiya.“In this scenario, severe and critical admissions are expected to reach 2,252 admissions by mid-January as well.”

Paglilinaw naman ng DOH, maraming factors ang dapat na ikonsidera kung magaganap ba o hindi ang pagtaas ngCovid-19cases sa isang lugar o hindi. “However, we reiterate that there are many factors or measures to consider as to whether an area’s increase inCovid-19cases and projections may or may not happen. This means metrics such as transmission rate, contact rate, and longer durations of infectiousness are not sole drivers of transmission.”

Binigyang-diin pa ng ahensiya na mahalagang maipagpatuloy ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang pagbabakuna sa mga mamamayan upang mapalawak pa ang booster dose coverage sa bansa, partikular na sa mga vulnerable population, upang maprotektahan sila mula sa malala at kritikal na epekto na dulot ng karamdaman.