Pinaalalahanan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko nitong Miyerkules na dapat na silang magpaturok ng booster shots dahil nananatili pa rin ang Covid-19 sa bansa.

Ang panawagan ay ginawa ni  Lacuna matapos ang Covid-19 update kamakailan na dumarami pa ang mga indibidwal na nahahawaan ng virus.

Ang alkalde ay partikular na nalungkot sa ulat na may mga naitatala pa ring Covid-related deaths.

“May pumanaw sa impeksyon. Dapat po talaga wala nang ganito eh. Meron pa rin tayong available vaccines kundi pa kayo nababakunahan o nagpapa-booster vaccination is still the solution against Covid-19," ani Lacuna.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kaugnay nito, mahigpit din ang paalala ni Lacuna sa mga Manileño na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health protocols lalo't kabilaan ang mga idinaraos na party ngayon dahil panahon ng Kapaskuhan. 

Para naman sa mga nabakunahan at naturukan ng booster, sinabi ni Lacuna na maging maingat pa rin at laging sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks sa mga lugar kung saan ang transmisyon ng virus ay posible at imposible ang physical distancing.

“Patuloy tayong mag-ingat dahil may mga nagkakaroon pa rin ng Covid. Di natin maaring sabihin na porke’t bakunado ay ligtas na against Covid dahil marami kaming kakilala nakaka-tatlo na, nagkakaroon pa rin,” dagdag ng alkalde.

Binigyang-diin ni Lacuna na dahil maraming tao pa rin ang nahahawa ng Covid, lumilitaw lang na nasa paligid lamang ang Covid.

"Ibig lang sabihin nito na di pa rin tayo ligtas, ke nagkaroon dati o ngayon pa lang, Covid is still here to stay, lalo na ngayong Kapaskuhan na madami nang tao sa labas at ang pagsusuot ng face masks ke indoor o outdoor, ay pareho nang boluntaryo,” pahayag pa ng alkalde.