Kilala ang aktres na si Nadine Lustre sa ilang tattoo sa kaniyang katawan na kumpiyansa niya ring inilaladlad sa kaniyang mga larawan online.

Isang calm shell tattoo sa kaniyang binti ang panibagong obrang ipinapinta ng multimedia star sa kaniyang balat.

Ito’y kasunod ng pagbubukas ng unang tattoo pop-up shop sa Maynila ng Cebuano tattoo artist na si Jello Talaboc kamakailan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tila simbolo naman ng kaniyang malalim na relasyon sa isla ng Siargao ang dagdag na tattoo ni Nadine.

Basahin: Dragon piece, pinakamalaking tattoo na naipinta sa katawan ni Nadine Lustre – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Enero ngayong taon lang nang maiulat ang pinakahuli at pinakamalaking tattoo ng aktres sa kaniyang katawan.

Nauna nang nasilayan ng publiko sa kaniyang kaliwang pulso ang rosas na tattoo, alay ng aktres sa yumaong kapatid na si Isaiah. Sa kaniyang kanang pulso naman makikita ang crescent moon.

Sa bahagi rin ng kaniyang kanang braso makikita ang mga salitang “nakayapak at nahihiwagaan” na hango sa kantang “Tadhana” ng Up Dharma Down, isa sa mga paboritong kanta ni Nadine.

Noong 2020, naipinta rin sa katawan ng aktres ang lotus flower sa kaniyang kanang braso. Makikita rin ang ilang foreign characters na nakaukit sa aktres sa kaliwang braso naman nito.

Si Nadine ay kilalang multi-awarded actress at recording artist sa Pilipinas.