Naging emosyunal si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa pasasalamat niya sa madlang pipol matapos itanghal na Grand Champion ng taunang "Magpasikat" ang team ng anak-anakang si Ryan Bang kasama si Jhong Hilario, na nag-uwi ng 500,000 piso, sa kanilang noontime show na "It's Showtime".

Bago magwakas ang show, nakiusap si Vice Ganda na hayaan siyang magpasalamat at huwag sana siyang putulin sa ere, habang may nalalabi pang oras.

Napagtanto raw ni Meme Vice na kaya nanalo sina Ryan-Jhong ay dahil binalikan ng una ang kaniyang pinagmulan---ang pagiging Koreano nito, na siyang minahal ng madlang pipol sa kaniya.

"Binalikan niya kung ano siya. Siya ay Koreano na minamahal ng Pilipinas. At siya ay Koreano na mahal ang Pilipinas. Nang binalikan niya, lalong lumabas ang totoong kagandahan niya bilang tao,” segway ni Vice.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Dito na niya ipinasok ang pasasalamat sa mga taong nakatrabaho noon, at aniya'y nagpasimula talaga ng It's Showtime, gaya ng mga naunang direktor nito na sina Direk Bobet Vidanes, Direk Mel Feliciano, at Direk Boyet.

“Gusto kong magpasalamat at balikan yung pinagmulan natin. Direk Bobet Vidanes, thank you very much. Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet, thank you very much,” sambit ni Vice.

Sila raw ang mga naunang nagpatulo ng dugo at pawis at nagbuhos ng kanilang pag-iisip upang mabuo ang naturang show, kahit ngayon ay wala na sila roon at nasa ibang shows na at network.

Sunod namang pinasalamatan ni Vice ang mga naging co-hosts nila na sina Billy Crawford, misis nitong si Coleen Garcia, Eruption, Kuya Kim Atienza, at iba pa. Pinasalamatan din ni Vice ang madalas na nakukuhang hurado sa show na si Joey Marquez.

Ayon pa sa komedyante, bago pa man magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanila ay minsan na silang nagsasama-sama, naging masaya at nagmahalan naman sa mahabang panahon, dulot na rin ng naturang show.

“Gusto kong balikan lahat ng masasayang alaala kasi masayang-masaya naman tayong lahat, mahal na mahal natin yung isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan. Bago tayo nagkasakitan. Bago tayo nagalit sa isa’t isa, nagmahalan tayo,” aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/27/direk-bobet-true-friends-sina-billy-at-kuya-kim-paano-ang-its-showtime-family/">https://balita.net.ph/2021/11/27/direk-bobet-true-friends-sina-billy-at-kuya-kim-paano-ang-its-showtime-family/

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/15/vice-ganda-rumeresbak-nga-ba-kay-direk-bobet-sa-kaniyang-pasaring-sa-its-showtime/">https://balita.net.ph/2021/11/15/vice-ganda-rumeresbak-nga-ba-kay-direk-bobet-sa-kaniyang-pasaring-sa-its-showtime/

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/20/direk-bobet-tinawag-na-bobo-si-vhong-at-baklang-basura-ang-ugali-si-vice-ganda/">https://balita.net.ph/2021/10/20/direk-bobet-tinawag-na-bobo-si-vhong-at-baklang-basura-ang-ugali-si-vice-ganda/

Nagdiriwang ngayon ng 13th anniversary ang noontime show, na pag-amin ni Vice, ay hindi na nila alam kung saan patungo dahil sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.

Subalit nangako ang komedyante na kahit walang kasiguraduhan ang lahat ay patuloy pa rin silang maghahatid ng saya sa madlang pipol at manonood.

Malaki raw ang espasyo ng show sa kaniyang puso na nagbigay sa kaniya ng lahat ng mga tinatamasa niya ngayon.

Sa huli, inialay rin nila ang show sa co-host na si Vhong Navarro, na ngayon ay may pinagdaraanan sa kinahaharap na kaso.