Kung ang dating presidential spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kandidato sa pagkasenador na si Harry Roque ang tatanungin kung ano ang grado na ibibigay niya sa performance ni Vice President Sara Duterte sa loob ng 100 araw bilang Pangalawang Pangulo, flat 1 daw ang kaniyang ibibigay rito.

Bilang isang propesor sa kolehiyo, ang flat 1 daw ay ang pinakamataas na gradong maibibigay sa isang mag-aaral; gayundin umano ang maibibigay niya kay VP Sara, ayon sa kaniyang tweet noong Oktubre 10.

"I will give her a flat 1, the highest grade ever. Bakit? talagang umiwas sa politika si VP Inday Sara Duterte. Trabaho, trabaho, trabaho," ani Roque.

https://twitter.com/attyharryroque/status/1579396317251571714?fbclid=IwAR2w-BY5yv9-2rsvzVpow9tVxzlUhX7BoBDjZaV9X-jT-7fyeZl8mrhyVzQ

Kalakip nito ang pubmat ni Roque kung saan mababasa ang kaniyang pahayag tungkol dito noong Oktubre 9.

Bilang bahagi ng UniTeam ay hayagan ang pagsuporta ni Roque kay VP Sara noon pa man. Sa katunayan, nagbitiw ng pahayag si Roque noon na tatakbo siyang senador kung tatakbong pangalawang pangulo si Inday Sara, bagay na nangyari nga. Sa kabilang banda, hindi pinalad na maupo bilang senador si Roque.