Pinabulaanan ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang umano'y suspended Twitter account ng VinCentiments dahil aniya wala namang Twitter account ito.

Nauna nang nilinaw ni Yap nitong Lunes, Agosto 29, na walang Twitter account ang VinCentiments.

"Ano ‘to beh, dahil di nyo matapatan, gagawa kayo ng twitter account tapos kunwari yun ang suspended? HAHAHA," aniya sa kanyang Facebook post.

"1.Talo na po si Leni 2. Talo na siya. 3. Talo talaga. Tama na. HAHAHAHA," dagdag pa niya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Samantala, muling nilinaw ng 'Maid in Malacañang' director nitong Martes na walang Twitter account ang VinCentiments.

"Wala pong Twitter account ang VinCentiments at ang inyong lingkod. Ganyan po sila katanga, sayang-saya sa guni-guni HAHAHA!" aniya.

Kumakalat kasi ngayon sa social media ang screenshot na nagpapakitang suspendido ang Twitter account ng VinCentiments dahil sa pag-violate ng Twitter rules.