Opisyal na ngang bumalik sa musical variety show na "ASAP Natin 'To" ang isa sa mga mainstay host nitong si Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli, Hulyo 24.

"Nagpa-miss po ako, and I'm finally home!" saad ni Sarah sa isang VTR.

Espesyal ang episode ng ASAP na inilaan para sa muling appearance ni Popstar Royalty, dahil ang hashtag ay #ASAPSG.

Bago ang aktuwal na taped performance ni Sarah, binigyang-tribute muna siya ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid nang awitin nito ang "Forever's Not Enough" na pinasikat na awitin ni Sarah.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sumunod naman ang ASAP New-Gen performers sa pamamagitan ng pag-awit sa iba pang mga kinanta ng Popstar Royalty, gaya nina Janine Berdin at Lara Maigue (Tala), Fana at Reiven Umali (Kilometro) at JM Yosures at Sheena Belarmino (Isa Pang Araw).

Hindi live performance ang ginawa ni Sarah kundi ang opisyal na music video para sa kaniyang latest song na "Duyan" ang kaniyang ipinamalas, na ginawa sa kanilang studio ng mister na si Matteo Guidicelli. Si Sarah mismo ang bumuo ng konsepto para sa kaniyang music video.

Nagwala ang Twitter world lalo na ang mga Popsters dahil finally ay linggo-linggo na nilang mapapanood si Sarah G, dahil sa bagong segment na "ASAP: The Sarah G Special".

"Grabe hindi ako maka-move on! She is really back! More of this, please!"

"GANYAN MAG-COMEBACK!!!!! GANYAN!!!!! Wala lang kinapslock ko lang…kasi nga GANYAN MAG-COMEBACK! PINAG-HANDAAN, GINASTUSAN AT GINALINGAN!"

"Total performer! Grabe ang husay talaga! Kung totoo ang tsika na milyon ang TF niya per appearance, aba, sulit naman talaga!"

Pero hiling ng iba pang mga tagahanga na sana raw ay mag-live performance naman sa ASAP stage si Sarah at maka-duet ang iba pang mga ASAP singers, lalo na ang mga icons na sina Gary Valenciano, Martin Nieverra, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at syempre, ang kaniyang nanay-nanayan sa showbiz na si Regine Velasquez-Alcasid.