Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kontrobersyal na dating regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Yogi Filemon Ruiz bilang acting commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Huwebes.

Nanumpa na rin si Ruiz sa kanyang tungkulin nitong Martes, ayon kay Angeles.

Si Ruiz ay dating nakatalagang director ng PDEA sa Region 7 at naging kontrobersyal nang paghubarin ang lahat ng presyo ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center sa ikinasang anti-drug operation noong Marso 2017.

National

DOJ, nais ibalik si Alice Guo sa kustodiya ng PNP

Nasamsam sa naturang operasyon ang iligal na droga at iba't ibang uri ng patalim.