Handang mag-volunteer si dating Presidential spox Harry Roque para tumulong kay incoming Vice President Sara Duterte sa magiging responsibilidad nito sa Department of Education (DepEd).
Sinabi ni Roque, hindi siya hihingi ng suweldo at titulo. Nais lamang niya makatulong dahil sinuportahan niya noong nakaraang halalan si VP-elect Duterte.
"Hindi po ako hihingi ng sweldo. Hindi po ako hihingi ng titulo dahil may appointment ban. Ang gusto ko lang ay makatulong dahil nandiyan naman po ang sinuportahan ko na Vice President," aniya.
Ayon pa kay Roque, magvo-volunteer siya at magiging aktibo sa DepEd.
"Maski walang sweldo, maski hindi ako kikilalanin dahil ako naman po ay nagkaroon ng dalawang anak at magkakaroon ng apo, interest ko rin po na ma-improve talaga ang educational system natin. Kaya ako po ay mag vo-volunteer na maging very active sa department of education in whatever capacity I might be able to help."
Noong nagdaang eleksyon, isa si Roque sa mga tumakbong senador ngunit hindi siya pinalad na makapasok sa 'Magic 12.' Kilala rin siya bilang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.