Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong alas 11:00 ng gabi ngayong Biyernes, Hunyo 10, sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa mga sumusunod na kalsada:

EDSA Santolan SB San Juan City innermost lane (bus way) mula sa Connecticut Street hanggang Rochester Street; 

EDSA NB Quezon City paglampas ng EDSA Aurora Blvd. Tunnel hanggang dulo ng center island (fast lane), Aurora Blvd. hanggang Kamuning Road (1st lane buhat sa sidewalk, intermittent section), paglampas ng Kamuning Road hanggang JAC Liner Bus Station (3rd lane magmula sa sidewalk);

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

C-5 Road Northbound (2nd lane) Makati City;C-5 Road Southbound (2nd lane) Makati City;Tandang Sora Ave. Quezon City Himalayan Road to Visayas Avenue.

Isasaayos din ang Agham Road harapan ng Bureau of Fire (BFP) hanggang Quezon Avenue (3rd lane buhat sa center island); Batasan Road Filinvest 1 Road hanggang Sinagtala St. (2nd lane mula sa Plant Box);

Commonwealth Ave. Quezon City Zuzuarregui St. hanggang harapan ng Diliman Preparatory School (1st lane buhat sa sidewalk);Cloverleaf (CHN.000-CHN 258) patungo hanggang NLEX NB;

At Cloverleaf (CHN.000-CHN 234) hanggang papuntang NLEX SB.

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa mga motorista sa Lunes, Hunyo 13 sa ganap na alas 5:00 ng madaling araw.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.