ILOILO CITY — Matapos mapasailalim sa Alert Level 1 sa loob ng maraming buwan, hindi na kailangan pang magpakita ng vaccination card ng mga biyahero mula sa Western Visayas region papunta ng isla ng Guimaras.

Kasunod ito ng resolusyon na ipinasa ng Guimaras Provincial Board, sa pag-iisyu ni Gobernador Samuel Gumarin ng Executive Order No. 2022-28 para mapagaan ang mga travel protocol laban sa COVID-19.

Nangyari ito sa tangka ng maliit na isla na akitin ang mga bisita para sa taunang Manggahan Festival, na ipinagdiriwang ang kasaganaan ng matamis na mangga pati na rin ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Ang highlight ng pagdiriwang ay sa Mayo 20-22.

Mapupuntahan ang isla ng mga bisita sa rehiyon sa pamamagitan ng 15 minutong biyahe sa bangka mula sa Iloilo City. Ngunit marami ang umaatras na bisita dahil sa mahigpit na mga protocol sa pagbiyahe.

Tourism

ALAMIN: Mga puwedeng pasyalan sa Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon

Ang exemption para sa walang vaccination card ay sumasaklaw lamang sa mga residente ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental provinces gayundin ang highly urbanized na lungsod ng Iloilo at Bacolod.

Ang mga manlalakbay na papasok mula sa labas ng Western Visayas ay kailangan pa ring magpakita ng mga vaccine card. Kung hindi nabakunahan, ang manlalakbay ay dapat pa ring magpakita ng test results na nagsasabing hindi siya nahawaan ng COVID-19.

Sa kabila ng pag-alis ng mandatory vaccination card, inaatasan pa rin ng pamahalaang panlalawigan ng Guimaras ang mga manlalakbay na punan ang mga form ng deklarasyon sa kalusugan.

Samantala, inalis na rin ang pag-iisyu ng inbound at outbound travel pass.

Tara Yap