Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ng Biyernes, Abril 8, uumpisahan ang pagkukumpuni sa EDSA-Quezon City northbound (NB) paglampas ng P. Tuazon- Araneta Central A (1st lane from sidewalk) Cubao MRT Station - Aurora Blvd. (2nd lane buhat sa sidewalk) pagkatapos ng Aurora Blvd. - dulo ng tunnel, katabi ng Central Wall; C-5 Road Makati City NB sa C-5 Northbound (inner Lane); EDSA-Caloocan southbound pagkatapos ng A. De Jesus St. (3rd lane magmula sa sidewalk).

Kukumpinihin din ang EDSA NB bago at pagkatapos ng Gate 3 ng Camp Aguinaldo (1st block mula sa Bus Carousel); C.P. Garcia Ave. harapan ng Mineralogy (1st block buhat sa sidewalk); EDSA SB EDSA Service Road corner Timog Avenue hanggang Kamuning Road; at C-5 Road sa Pasig Blvd. Southbound, sa Doña Julia Vargas Westbound at sa C-5 Road Southbound.

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Abril 11, dakong 5:00 ng madaling araw.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta upang hindi na maabala.