Natuklasan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga lupang kinuha ng Pasig Local Government Unit noong 1990s na hindi umano binayaran.

Ibinahagi ito ni Sotto sa isang Facebook post nitong Biyernes, Abril 8.

"Alam niyo bang ang dami naming natutuklasan na mga lupang kinuha ng LGU nung 1990s pa, pero hindi binayaran," saad ng alkalde.

"Sa batas, pwedeng mag-expropriate ang gobyerno para sa public use basta't may "wastong kabayaran"," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Base sa website ng Pasig City na pasigcity.gov.ph, ang mga alkalde na namuno sa Pasig simula noong 1990s ay sina Mario S. Raymundo (1988-1992), Vicente P. Eusebio (1992-2001), Soledad Eusebio (2001-2004), Vicente P. Eusebio (2004-2007), Robert "Bobby" Eusebio (2007-2013), Maribel Eusebio (2013-2016), at Robert "Bobby" Eusebio (2016-2019).

"Kung hindi nagbayad ang gobyerno, para na rin po itong pagnanakaw. Isipin natin kung sa atin nangyari ito," ayon pa kay Sotto.

"Ngayon, tinatama na natin ang mga maling nangyari noon."

Nahahal bilang alkalde ng Pasig City si Sotto noong 2019 at kasalukyang muling tumatakbo bilang alkalde.