Kinagigiliwan ngayon ang panindang 'waffles' ng magkapatid sa Agusan Del Norte dahil bukod sa masarap, agaw-pansin din ang korte nito: para ka lamang namang sumusubo ng 'notabels' o pag-aari ng isang lalaki!

Mapalad na nakapanayam ng Balita Online ang magkapatid na may-ari ng negosyong ito na sina Roselle Janopol, 42, at Josephine Janopol, 31, nakatira sa Rizal Avenue, P-1, Barangay 4, Buenavista, Agusan del Norte. Si Roselle ay isang Business Regulatory Support Advisor sa Cornwall Council of England at si Josephine naman ay Supervisor ng F&B sa Singapore.

Roselle at Josephine Janopol

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Naisipan nilang magkapatid na magtayo ng isang negosyo, at naisakatuparan naman nila ito. Sa ngayon, magkasosyo sila sa 'JB Bubbly Tea House'.

Bakit nga ba ganito ang naisipan nilang negosyo?

"Way back end of 2018, noong nasa Singapore pa kaming dalawa ng sis kong si Josephine, we were thinking to venture in Food Industry pandagdag-income. Sa mga bakasyon ko sa Hongkong and Shanghai, nakita ko na mabenta ang bubble tea," ani Roselle.

"Gumawa kami ng Research and Development Plan ng sis ko. Yung town namin sa Buenavista Agusan Del Norte wala pang maraming food and drinks establishments that time. So we took it as an opportunity to introduce new trends of food and beverages."

"We are both hands on, from kitchen layout to logo creation dahil sa background ko na rin as Head of Sales and Marketing sa Design and Build company sa SG. And my sis background is sa Food Industry sa SG."

"JB Bubbly Tea House is the pioneer Milktea Shop sa town namin. The vision is: 'Serving good food with quality and good price'", paliwanag pa ni Roselle.

Bukod sa bubble tea o milk tea, naisipan nilang dagdagan ito ng waffles. Subalit, paano ba nila naisipang makatawag-pansin ang panindang ito?

"JB Bubbly Tea House tagline is 'IT’S NOT JUST A FOOD & DRINK, IT'S AN EXPERIENCE!' As business owners, kailangan namin mag-innovate ng new products every now and then. Para hindi ma-bored ang mga customers and ma-excite sila. The last launched was cheesy beef shawarma and naging patok din siya, dinadayo kami even taga-Butuan City and Carmen and pumupunta sa Tea House namin. And been asked for franchise sa taga Surigao," aniya.

Mga larawan mula kay Lester Jan Virtudazo

Nakuha raw nila ang ideyang ito sa pagr-research, lalo't may mga ganito na rin sa ibang bansa.

"We want to be the leading food trendsetter in Caraga Region. So todo-research talaga kami ng sis ko sa bagong pinagkaguluhan na product overseas which is the Notchy Waffle. Sa London, Canada, Thailand and other countries talagang pinipilahan ang waffle na ito kasi nakakatawa 'yong porma."

"So we come up with our own recipes and syempre me mga trial and errors kami. It was never an easy start. We are lucky that we have a great team of staff. Kasi both Josephine and I are base from overseas. UK has 8 hrs time difference sa Pinas. Kaya very challenging talaga to manage a team virtually."

Mga larawan mula kay Lester Jan Virtudazo

Magkano ang pinagulong nilang puhunan at magkano rin ang kita buwan-buwan?

"JB Bubbly Tea House had a capital between ₱350-400k kasi may mga add on na in between. Kita buwan-buwan: ₱30k-50k. During pandemic was really tough so nagre-invest kami ulit para makabangon."

Tuwang-tuwa raw naman sila sa reaksyon ng mga tao kapag nakikita nila ang 'Notchy Waffle' na talaga namang atraksyon na rin para sa mga turista. Naging talk of the town kaagad ito. Sumakto pa nga raw nang i-launch nila ito noong April Fool's Day. Alam naman nila na medyo 'SPG' ang kanilang paninda, pero sadyang kakaiba ito at talaga namang tinangkilik ng mga gustong 'makasubo' nito.

Mga larawan mula kay Lester Jan Virtudazo

"May iba na nagsasabi na nawawala daw ang lungkot nila sa waffle na ito. Kasi natatawa sila tuwing kakagat na sila sa JB Notchy Waffle."

"May iba gusto rin na araw arawin and may nag comment na nakakawala ng problema dahil tuwang tuwa sila tuwing kakain sila sa JB Notchy Waffle."

"Sa post comments sa FB, almost nakangiti yung mga emoticons. Impressive ang mga likes and shares. Wala kaming masabi, overwhelming yung positibong reviews and responses. We have a good team of peeps behind us. And we are also active in community service as thanksgiving na rin," paliwanag ni Roselle.

Kaya naman, may mensahe siya sa mga kagaya nila ni Josephine na nagbabalak magtayo ng unique business na gaya sa kanila.

"Mahirap talaga ang mag business nowadays lalo na if starter ka…and especially if consumable ang mga products. Parang roller coaster, maraming mga challenges especially during pandemic."

Mga larawan mula kay Juan Virtudazo

"Never ever give up."

"Pag gusto mo ang ginagawa mo, ituloy mo lang."

"I was asked once on how I spell ‘Quit’… and my answer is always ‘NO’."

"Research and product innovation are the key. Find an item na patok sa panahon ngayon and identify your target market."

"And finally, samahan mo ng dasal para gabayan ka Niya."

At dahil atraksyon na nga sa mga turista ang JB Bubbly Tea House, lalo na ang Notchy Waffles, makatatanggap umano sila ng parangal mula sa Municipal Office of Buenavista, dahil sa pagpo-promote ng 'Food Tourism'.

Ano pang hinihintay mo, handa ka na bang makagat at masubo ang 'JB Notchy Waffles?'