Tuloy pa rin sa karera sa pagka-pangulo si independent candidate Senador Ping Lacson kahit pa pang-lima ang ranggo nito sa bagong survey na inilabas ng public opinion polling body sa Pilipinas na Pulse Asia.

Ang poll ay may 2,400 respondents, na may edad 18-anyos pataas at rehistradong botante, na isinagawa noong Marso 17 hanggang 21.

Para kay Lacson, hindi naman siya nabigla sa mga resulta ngunit aniya, hindi siya aalis sa karera.

"Hindi ako naabala sa mga survey. Sabi nga namin, lahat ng rallies na pinupuntahan namin ang direct engagement to the people. We are seeing this through. 'Yan ang maliwanag," aniya sa isang panayam sa mga mamamahayag.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa bagong survey, muling namayagpag si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakakuha ng 56% — ngunit bumama ng apat na puntos mula sa huling survey.

BASAHIN: Marcos-Duterte nangunguna pa rin sa Pulse Asia survey

Sinundan naman ito ni Bise Presidente Leni Robredo na bagamat hindi nangunguna sa bagong survey, bahagyang tumaas naman ang nakuhang porsyento ng siyam na puntos — mula sa 15% ay tumalon ito patungong 24%.

Si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ay nakakuha ng waalong porsyento sa ikatlo, Senator Manny Pacquiao na may anim na porsyento sa ikaapat na pwesto at Lacson na may dalawang porsyento sa ikalimang pwesto.

Iba aniya ang kanyang karanasan sa grounds. Binigyang-diin niya ang kanyang karanasan sa isang sortie sa Bohol na kung saan siya at ang kanyang partido ay mainit na tinanggap ng mga lokal.

"Di namin ine-expect na ganoon ka-warm, hindi naman ito choreographed, 'di ito may kumpas. Sa Capitol Building itself and Bohol. Walang local official ang nagka-carry sa amin pero very spontaneous ang reception na nakita. namin doon and in other areas," ani Lacson.

Muling iginiit ni Lacson na hindi dapat ikabahala ng mga taong gustong bumoto sa kanya sa kanyang mga survey number.

Aniya, nakarinig na sila ng ganitong sentimyento sa trail ng kampanya, ng mga taong gustong iboto siya ngunit pinipigilan ng pag-iisip na matatalo siya.

Nakiusap siya sa mga botante na iwasan ang ganoong pag-iisip at dapat pumili kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat na mamuno sa bansa.

BASAHIN: Lacson, hinikayat ang mga botante na ibasura ang ‘survey mentality’

Hinikayat niya ang lahat ng mga botanteng Pilipino na ibasura ang “survey mentality” sa pagboto at sa halip ay pumili ng mga kandidato na sa tingin nila ay pinaka-competent at kwalipikadong mamuno sa bansa.