Hindi pa maipamamahagingLand Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang fuel subsidy sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV) sa bansa.
Ikinatwiran ng LTFRB, hinihintay pa nila ang kopya ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) kung saan nakapaloob ang mga kondisyon na susundin ng ahensya para sa programa, ayon sa pahayag niLTFRB Executive Director Maria Cassion nitong Huwebes.
“Sincewala pangofficial copyngdecision,hindi rin namin alam po kung ano 'yung mga sinasabi naconditions. So, we have to first receive the decision for us to be able to respond accordingly,” pagbibigay-linaw ng opisyal.
Umaasa naman si Cassion na mailalabas na ng Comelec ang advanced copy ng desisyon sa susunod na linggo.
Nitong Miyerkules, isinapubliko niComelec Commissioner George Garcia na inaprubahan na nila ang kahilingan ng LTFRB na i-exempt ang programa sa ipinaiiral na election spending ban.
Nilinaw naman ng Comelec na isinapubliko na kaagad nila ang desisyon sa usapin upang mabigyan ng panahon ang LTFRB na maihanda ang listahan ng mga benepisyaryo ng programa.
PNA