Ayaw pakampante ng kampo ni presidential bet na si Bongbong Marcos sa kabila ng mataas na preference rating ng kandidato na 56 porsiyento batay sa pinakabagong resulta ng survey ng Pulse Asia.

Sa katunayan, inihayag ng tagapagsalita ni Marcos, ang abogadong si Vic Rodriguez nitong Miyerkules, Abril 6 na ang kanilang target na voter preference rating ay 70 percent.

“Once again, presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. leads by a strong majority preference rating at 56 percent in the latest Pulse Asia survey conducted from March 17 to March 21, 2022 fueled by an equally resolute 53% trust rating as shown in the more recent Laylo survey,” ani Rodriguez sa isang pahayag.

“Although 32 days remain before the national and local elections, we entreat our supporters, volunteers and campaigners to refrain from complacency and remain focus in achieving our common target of 70 percent presidential preference mark,” dagdag niya.

“We acknowledge the overwhelming support of the people as the Pulse Asia survey results clearly show, but the challenge to make history shall remain kindled until election day, and even beyond,” dagdag ni Rodriguez.

Ang pagtukoy sa "history" ay pinaniniwalaang target ng kampo para siguraduhin na magiging "majority winner" ang Ilocano candidate.

Upang ilagay ang tagumpay na ito sa perspektibo, kahit na ang ang kilalang na si Pangulong Duterte ay nagwagi lang sa plurality votes noong 2016, at hindi sa pamamagitan ng majority votes. Ang pagkapanalo ng mayorya ay ang mas nakamamangha sa dahilang mas nagpapahiwatig ito na ang nanalong kandidato ay may mas maraming boto kaysa sa lahat pinagsamang boto ng mga karibal nito.

“We shall not rest until the 70 percent preference survey polls position is attained, until every vote is counted and the aspirations of the Filipino people become a reality. Maraming salamat po!,” ani Rodriguez.

Si Marcos, 64, ay nakipagpulong kamakailan sa mga incumbent governors sa kanyang poll headquarters sa Mandaluyong City upang matiyak na maprotektahan ang kanyang mga boto sa araw ng halalan.

Ellson Quismorio