Isang dating residente ng Woodbridge Township, New Jersey sa U.S. ang nanawagan para sa environmental action matapos niyang matuklasan ang ilang tao na nag-aral sa isang lokal na paaralan ay nagkaroon ng may bihirang mga tumor sa utak.
Sa ekslusibong panayam ng CBS New York kay Al Lupiano, isang environmental scientist, ibinahagi nito ang nakakagulantang na resulta ng kanyang pananaliksik.
Aniya, nang magsimula siyang gumawa ng ilang pananaliksik at ang tatlo kaso ay naging lima, ang lima ay naging pito, ang pito ay naging 15.
At ang nakakagulat na resulta ng kanyang pag-aaral, kinumpirma niya ang 65 kaso ng mga taong may bihirang mga tumor sa utak ay may iisang denominator, at ito ay lahat sila ay nagtapos ng Colonia High School o nagtrabaho doon.
Na-diagnose si Lupiano 20 taon na ang nakalilipas. Nagsimula siyang magsaliksik ng koneksyon na ang ibang miyembro ng pamilya ay na-diagnose na may parehong napakabihirang tumor sa kaliwang bahagi ng utak.
Pagbabahagi ng scientist, nakatanggap ang kapatid niya ng balita na may primary brain tumor ito. Sa kasamaang palad, ito pala ay stage 4 glioblastoma. Pagkalipas ng dalawang oras, nakatanggap sila ng impormasyon na may primary brain tumor din ang asawa niya.
"Fast forward to August of last year. My sister received the news she had a primary brain tumor, herself. Unfortunately, it turned out to be stage 4 glioblastoma. Two hours later, we received information that my wife also had a primary brain tumor," ani Lupiano.
Matapos ang malungkot na pagkamatay ng kanyang kapatid na babae wala pang isang buwan ang nakalipas, nag-post siya sa Facebook na nananawagan sa lahat ng alumni ng Colonia High School na tanungin kung ang iba ay may mga tumor sa utak at ang tugon ay nakakagulat.
Aniya, "What I find alarming is there's truly only one environmental link to primary brain tumors and that's ionizing radiation. It's not contaminated water. It's not air. It's not something in soil. It's not something done to us due to bad habits."
Nakipagtulungan na rin si Lupiano sa lokal na opisyal upang imbestigahan ang nangyayari sa ilang alumni ng nasabing paaralan na itinayo taong 1967.
Nagbigay naman ng opinsyon si Woodbridge Mayor John McCormick. Aniya, dapat alamin ang mga nangyari sa panahon ng paggawa sa paaralan dahil imposible na maging sanhi ng sakit ang lupa noon dahil ito ay aniya 'virgin' at kapunuan.
"It was virgin land. It was woods. The high school was the first thing to be there, so there was probably nothing in the ground at that time. The only thing that could have happened, potentially, was fill that was brought in during construction. We have no records 55 years ago," ano McCormick
Nakipag-ugnayan ang alkalde sa Kagawaran ng Kalusugan ng estado, Kagawaran ng Proteksyon sa Kapaligiran at sa Federal Agency para sa Toxic Substance and Disease Registry.
"We are looking at possible things that we can do between the town and school, and they said they will look at anything we come up with," dagdag pa ng alkalde.
Sinabi ni Dr. Joseph Massimino, ang superintendente ng mga paaralan, na hinihintay niyang marinig mula sa mga ahensyang pangkalikasan kung ano ang mga susunod na hakbang.
"I'm a lifelong resident here. I raised my family here. So the health and safety of our students is of paramount importance to me," ani Massimino.
Dagdag pa nito, plano niyang magpadala ng tala sa komunidad ng paaralan upang ipaalam sa kanila kung saan nakatayo ang mga bagay tungkol sa hindi opisyal na pananaliksik.
Nagbabala ang mga opisyal na ito ay nasa mga unang yugto pa lamang at hindi pa naisasagawa ang opisyal na pananaliksik, ngunit maaaring may dahilan upang maghukay ng mas malalim.