Inuga ng 4.1-magnitude na lindol ang bahagi ng Eastern Samar nitong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Inihayag ng Phivolcs, dakong 4:41 ng hapon nang maramdaman ang pagyanig sa hilagang silangang bahagi ng Hernani.

Ang pagyanig na dulot ng tectonic ay lumikha rin ng 54 kilometrong lalim.

Naitala rin ang Intensity II sa Catbalogan City sa Samat habang naramdaman naman ang Intensity 1 sa Abuyog at Palo sa Leyte.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Walang naiulat na pinsala na dulot ng lindol at wala ring inaasahang aftershocks ng nasabing pagyanig, ayon pa sa Phivolcs.