Ipagpapatuloy pa ng gobyerno ang pagsasagawa ng kanilang targeted special vaccination days ngayong Abril upang mas marami pa ang mabigyan ng proteksyon laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa mga lugar na mababa ang nasasaklawan ng pagbabakuna.

“Ang gagawin in April, titingnan na talaga kung sino mga areas ang kailangan ng espesyal na tulong para ‘yung mga kalapit rehiyon o kalapit na probinsyaay makatulong sa mga siyudad na medyo mahina ang kanilang bakunahan,” pahayag niDepartment of Health (DOH) Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, na siya ring chairperson ng National Vaccination Operations Center (NVOC) nitong Linggo.

Ipinaliwanag ni Cabotaje na ang special vaccination days ay isang variant ng national vaccination days na tinatawag na "Bayanihan, Bakunahan.”

Ito aniya ang tutukoy kung aling lugar ang nangangailangan ng espesyal na tulong para mapalakas pa ang pagbabakuna.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Una nang sinimulan ng DOH ang special vaccination days sa Cebu province, Davao region, at Cotabato City mula Marso 29 hanggang 31.

Idinaos naman ang kahalintulad na pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula Marso 30 hanggang Abril 1.

Sa datos ng national Covid-19 vaccination dashboard ng DOH, hanggang noong Marso 30, nasa 65.8 milyong Pinoy na ang nabakunahan.

Sa naturang bilang, 12 milyon na ang nakatanggap ng booster shots.

Puntirya ngayon ng gobyerno na mabakunahan ang lagpas 90 milyong Pinoy bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30.