Nabalewala umano ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) ng Philippine National Police (PNP) na nag-iimbestiga sa kasong nabigong pagpatay kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America noong Pebrero 27, 2022.

Ito ay nang hindi nakipagtulungan ang alkalde sa pulisya at direktang kinasuhan ang kanyang mga katunggali sapulitika, ayon sa SITG.

Matatandaang agad na inutos ni PNP chief, Gen. Dionardo Carlos kay Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) Police Director Brig. Gen. Antonio Yarra ang pagbuo ng SITG, isang araw makalipas ang pananambang kayAmericasa Poblacion ng nasabing bayan, ilang sandali matapos magsimba, kasama ang isang staff at driver nito.

Nakaligtas sa kamatayan si Americasa kabila ng mga sugat nito habang hindi nasugatan ang dalawa niyang kasamahan sa nasabing insidente.

Ilang araw matapos makalabas sa ospital, nagsalita ang alkalde at sinabing pulitika ang motibo sa tangkang pagpaslang sa kanya.

Sa pagbalik nito sa munisipyo, nagsampa si America ng kasong frustrated murder laban sa katunggali niyang si mayoral candidate Eriberto "Ebit" Escueta, incumbent Vice- Mayor Lord Arnel Ruanto, Bobby Vargas, Ronil Nolledo, Jorraffin Plantilla at Gilbert Pacio.

Sa kanyang salaysay, inakusahan ng alkalde sina Escueta at Ruanto bilang mga mastermind sa pananambang.

Gayunman, binanggit ng police sources na sa pag-iimbestiga ng SITG na binubuo ng iba't ibang police unit at pinamumunuan ni Quezon Police Director Col. Joel Villanueva, natukoy na ang ilang suspek sa pananambang, kabilang na ang mismong gunman at motibo sa insidente.

Lumalabas umanong hindi pulitika, kundi quarry operation at sugal ang pangunahing motibo ng pananambang.

Gayunman, ang kaso ay hindi pa naisasampa ng SITG sa piskalya dahil tumatanggi umanong magbigay ng kanyang salaysay ang alkalde.

Bago pa man nagsampa ng reklamo ang alkalde, pinaninindigan nito na politically motivated ang pananambang bagama't hindi ito ang lumalabas sa pagsisiyasat ng SITG.

Dahil kaalyadoni America, posible umanong ginagamit lamang siya ni Governor Danilo Suarez laban sa kanyang kalaban sa pulitika dahil sinaEscueta at Ruanto ay kapartido ng kanyang katunggali sa walong bayan ng northern Quezon.