Napatay ng militar ang isang babaeng pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos umanong lumaban ang grupo nito sa tropa ng gobyerno sa Aklan kamakailan.

Kaagad namang nilinaw ni 3rd Infantry Division (3ID) spokesman Capt. Kim Apitong na hindi pa nakikilala ang nasawing rebelde.

“She is not Geralyn Gilbaliga. We are still trying to identify her identity,” pahayag ni Apitong nitong Linggo, Abril 3.

Aniya, umabot ng 15 minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at ng12th Infantry Battalion (12 IB) sa Libacao nitong Biyernes ng hapon.

Tourism

Pasig River Esplanade, worth it nga bang puntahan?

Nasamsam sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang shotgun, isang bala, backpack, personal na kagamitan at NPA paraohernalias.

Nangako naman si 3ID commanding general Maj. Gen. Benedict Arevalo, na hindi pa rin sila tumitigil sa pagtugis sa mga rebelde.

Taya Yap