Opisyal nang Kapuso at bahagi ng Sparkle GMA Artist Center ang grand winner ng 'Idol Philippines' ng ABS-CBN na si Zephanie Dimaranan, matapos pumirpa ng kontrata ngayong Huwebes, Marso 31.

Lumitaw ang mga haka-haka na lilipat na si Zephanie sa Kapuso Network noong Pebrero. Mas umingay ito sa pagpasok ng Marso. Ilang Kapuso support pages pa ang naglabas ng anunsyong mapapanuod na si Zephanie sa musical variety show ng GMA na 'All-Out Sundays' na katapat ng 'ASAP Natin 'To'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/09/teen-idol-zephanie-dimaranan-lilipat-na-raw-sa-kapuso-network/">https://balita.net.ph/2022/03/09/teen-idol-zephanie-dimaranan-lilipat-na-raw-sa-kapuso-network/

Lalo itong lumutang nang maglabas ng teaser ang GMA Network na 'Zee You' para sa kanilang pinakabagong Kapuso.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/30/idol-ph-champ-zephanie-dimaranan-ipakikilala-na-bilang-kapuso-sey-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2022/03/30/idol-ph-champ-zephanie-dimaranan-ipakikilala-na-bilang-kapuso-sey-ng-netizens/(

Ngayong Huwebes ay natuldukan na nga ang mga chika. Sa opisyal na Instagram page ng GMA Network, makikita ang pag-welcome kay Zephanie.

"Meet the newest Sparkle artist, This Generation’s Pop Princess @zephanie! Congratulations, Kapuso!" ayon sa caption.

Zephanie Dimaranan (Screengrab mula sa IG/GMA Network)

Winelcome na rin siya sa opisyal na Instagram account ng Sparkle.

"Welcome to the #Sparkle GMA Artist Center family, #Zephanie! She has definitely made a name for herself in the local and international music scene," ayon sa caption.

Zephanie Dimaranan (Screengrab mula sa IG/Sparkle GMA Artist Center)

Namayagpag ang kaniyang career sa ABS-CBN at napabilang sa 'JEZS' kasama ang mga kasabayang sina Janine Berdin, Elha Nympha, at Sheena Belarmino sa 'ASAP Natin 'To'. Nang mawalan nang prangkisa ang ABS-CBN, isa siya sa mga napanood sa defunct Sunday musical variety show na 'Sunday Noontime Live' o SNL.

Matapos niyon ay muli siyang napanood sa ASAP kasama naman ang 'New Gen Divas' subalit tila unti-unting lumamlam ang kaniyang career.

Noong 2021, napabilang siya sa 11 representative na pinili worldwide para sa Now United boot camp sa Abu Dhabi na binuo ni 'American Idol' creator Simon Fuller.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/04/idol-philippines-grand-winner-zephanie-dimaranan-pasok-sa-bootcamp-ng-global-pop-group-na-now-united/">https://balita.net.ph/2021/09/04/idol-philippines-grand-winner-zephanie-dimaranan-pasok-sa-bootcamp-ng-global-pop-group-na-now-united/

Isa sa mga naging inspirasyon sa pag-awit ni Zephanie ay si Popstar Royalty Sarah Geronimo na hanggang ngayon ay nasa showbiz hiatus pa at namimiss nang mapanood sa ASAP Natin 'To.