Pak na pak ang datingan ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista sa pag-awra niya sa Paris Fashion Week.
Sa isang Facebook post kamakailan, mapapanood ang iba’t ibang posing niya suot ang eleganteng see-through backless top habang nakalapat ang tugtog na “Primadonna” ni Marina bilang background music.
“Just enough edge to keep it interesting,” saad ni Heart sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Omgggggg. This is another level of conceptualizationisssmmmm. GANITOOOOOO ANTEEENGGGG!!!! "
"Age is just a number, you're on fire!"
"Edge ng styling ni Heart Evangelista feels powerful"
"Sidewalk model"
"How i wish i can wear what she wearing for just a day and walk like her"
"Only Heart can think of something like this! Concept "
"Ang ganda na, ang sexy pa at luxurious ng datingan talaga"
"Di Siya mahal ni chiz pag walang argument na nangyari pag Nakita niya to ."
"Apa ka Hot "
Hindi naman nakapagtataka na habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 13.9K reactions at 1.2M views ang video na ito ni Heart.