Ligtas pa rin para sa mga turista ang Tagaytay City at mga lugar na pinapasyalan, katulad ng Nasugbu sa Batangas kahit tumitindi pa ang pag-aalburoto ng Taal Volcano.
"Yes, it is safe ano. The approach here is managing the risk. Sa Alert Level 3, ang nangyayari, hindi pa masyadong malakas. So walang threat pa beyond the mentioned barangays," tugon ni Phivolcs officer in charge Undersecretary Renato Solidum sa mga mamamahayag nang tanungin ikung ligtas pang pasyalan ang mga nasabing lugar.
Matatandang kabilang ang Tagaytay sa naapektuhan nang pumutok ang bulkan noong Enero 2022 kung saan tumamlay ang negosyo hanggang sa higpitan ng gobyerno dahil sa Covid-19.
"What is important is that all restrictions will be focused on Taal Volcano and ang limang barangay na nabanggit . But all the rest of the towns outside the Taal lake, people can still visit," sabi ni Solidum.
Nitong Sabado, agad na isinailalim ang bulkan sa Alert Level 3 matapos na maitala ang phreatomagmatic eruption nito. Kabilang sa naapektuhan ng pagputok ang mga barangay sa Agoncillo at Laurel kung saan nakaranas ng bahagyang ash fall.