BAGUIO CITY - Walang naitalang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa lungsod nitong Biyernes, Marso 11.

Ito ay kahit nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng Omicron variant nitong nakaraang Enero.

“This is a welcome news and especially that the city's cases have been on the decline in the last 6 weeks, but let us not be complacent and still maintain the minimum health standard, because the virus has not completely disappeared,” sabi ni Mayor Benjamin Magalong.

Noong Disyembre 26, 2021 ay wala ring naitalang kaso ng sakit sa lungsod, ayon sa alkalde.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Gayunman, nangangamba si Magalong na magkaroon ng bahagyang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa susunod na 10 araw bunsod na rin ng pagdagsa ng mga turista kasunod ng pagluwag ng gobyerno sa health at safety protocols.

Idinahilan ni Magalong, mula 8,000 hanggang 9,000 na turista ang pumapasok sa lungsod araw-araw kaya malaki ang posibilidad na magkaroon ng bahagyang hawaan ng sakit.