MALAY, Aklan - Ligtas pa ring maligo sa Boracay Island kahit nakitaan ng makakapal na lumot sa baybayin ng isla kamakailan.

Ito ang paglilinaw ngBoracay Interagency Rehabilitation Management Group (BIARMG) nitong Sabado at sinabing isa lamang natural phenomenon at hindi umano dapat pangambahan ang paglitaw ng mga lumot.

Paglilinaw ng grupo, karaniwan na lamang ang paglitaw ng mga lumot, lalo na kung tag-ulan.

"This is non-toxic and should not be a cause for concern. In fact, the volume of algae has naturally subsided significantly in the past 2 weeks," ayon sa BIARMG.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kahit umano nasa 8-11 mpn (most probable number) per 100 milliliters ang fecal coliform level sa baybayin ng isla ay pasado pa rin ito sa water quality standards para paglanguyan.

"The tourists are assured that Boracay's waters are clean and safe for swimming and BIARMG is steadfast in its mandate to provide accurate information to the public," sabi naman ni BIARMG general manager Martin Jose Despi sa isang televisioninterview.