BAGUIO CITY – Pasisinayaan ng city government officials at ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI) ang Panagbenga Festival 2022 sa Summer Capital ng Pilipinas.

Sa temang “Let Hope Bloom” ay limitado lamang ang mga events at wala ang crowd-drawing event na grand opening, street dancing at flower floats parade.

Paglilinaw ni Mayor Benjamin Magalong, ang simple at masayang selebrasyon ay sisimulan sa Linggo, Marso 6, sa pamamagitan ng tradisyunal na Interfaith opening prayers na lalakuhan ng iba't ibang religious group.

Pangungunahan naman ni dating Baguio Mayor at BFFFI Chairman for Life Mauricio Domogan ang Cordillera prayer (Uggayam) sa Panagbenga Park dakong 8:00 ng umaga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang Panagbenga Open Landscaping Exhibition “Gardenscapes” sa Melvin Jones football ground ay pasisinayaan din.

Bubuksan din sa publiko ang bagong mukha ng Botanical Garden,matapos itong isailalimsa rehabilitasyon.

Ang Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio ay isasagawa sa Melvin Jones sa Marso 13 kasabay ang "FUNagbenga Zumba," "Let A Thousand Flowers Bloom," "Open Painting Exhibitions," "Kite flying" at cultural show.

Isasara sa mga motorista ang Session Road para sa “Session Road in Bloom” sa Marso 21-27.