Pinaalalahanan ni Chief Justice Alexander Gesmundo nitong Biyernes, Pebrero 18 ang mga hukom na manatiling magkaagapay sa pag-unlad ng teknolohiya at papel nito sa pangangasiwa ng hustisya.

Sa pagsasalita sa hybrid oath-taking ceremony ng 2022-2023 national officers at regional directors ng Philippine Judges Association (PJA), binanggit ni Gesmundo ang kahalagahan ng pagsunod sa panahon at kung paano gumaganap ng mahalagang bahagi ang teknolohiya sa paggulong ng hustisya.

“You must have heard that the Supreme Court is focused on introducing innovations, how we conduct our business as a Court, through focusing on technology. So we hope that we can start putting things in proper places," ani Gesmundo.

We might say that the ambition of the Court is hard to reach but if we decide and we have the will, we can do it. Technology is very important…With your support, we will be able to achieve these innovations that we want to introduce," dagdag pa ng chief justice.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinaalalahanan din ni Gesmundo ang mga hukom sa kanilang tungkulin bilang front-liners ng hudikatura.

Aniya, “As front-liners, ideally and under normal circumstances, you are the first contact persons of the litigants, especially the first level courts. For that reason, we must assure that people transacting with the court involving cases must be satisfied with the way you are doing things at the trial court. Because if they are frustrated, it reflects on the entire Judiciary.”

Hinikayat din ni Gesmundo ang mga miyembro ng PJA at iba pang mga hukom na suportahan ang lahat ng mga repormang panghukuman ng Korte, dahil kinikilala niya na sila ay may mahalagang papel sa buong pamamaraan ng Hudikatura.