Si ABS-CBN host-actress-vlogger Toni Gonzaga-Soriano ang host ng gaganaping proclamation rally ng UniTeam nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.

Ibinahagi ito sa Facebook page na 'BBM SARA Worldwide Supporters', na ibinahagi naman ng Kapamilya host at tumatakbong kinatawan ng party-list na 'Tingog' na si Momshie Karla Estrada.

Bongbong Marcos, Toni Gonzaga, at Sara Duterte (Larawan mula sa FB/Karla Estrada)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kumakalat din sa TikTok ang video clip ng rehearsal ni Toni habang kumakanta ng 'Ako ay Pilipino' sa Philippine Arena.

No description available.
Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

Matatandaang inulan ng kritisismo si Toni nang isagawa niya ang panayam kay BBM noong Setyembre 24, 2021, sa kaniyang talks show vlog na 'ToniTalks'.

Inakusahan si Toni na siya raw ay isang 'Marcos apologist.'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/14/toni-gonzaga-inulan-ng-kritisismo-matapos-ang-panayam-kay-bbm/

To the rescue naman si BBM at dinepensahan ang inaanak sa kasal na si Toni.

“Nagulat ako, bakit naman inatake si Toni? Ginagawa niya lang ang trabaho niya as a vlogger. Lahat naman ini-interview niya, wala naman siyang pinipili. Kung tignan mo ang ini-interview niya, iba-Iba," paglalahad ni Marcos, Jr.

“Kung nagagalit kayo sa akin, okay lang, pero wala namang kasalanan si Toni,’ dagdag ng dating senador.

“Bakit niyo naman inaano [inaatake] si Toni Gonzaga. She’s a vlogger, she’s not a journalist. Although I have to say, she does a better job than some of the journalists," papuri pa ni BBM sa host.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/18/depensa-ni-bbm-sa-bagong-interbyu-wala-namang-kasalanan-si-toni/

Samantala, bukod kay Toni ay inulan din ng kritisismo ang kaniyang mister na direktor na si Paul Soriano dahil sa hayagang pagpapakita ng suporta sa BBM-Sara tandem. Sa katunayan, si Direk Paul pa ang naging direktor ng campaign ad ng UniTeam, na inulan din ng kontrobersya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/paul-soriano-kinuyog-dahil-sa-resibo-ng-tv-shoot-ng-unity-ad-sa-panahong-may-sakit-si-bbm/

Kinukuwestyon kasi ng mga netizen ang petsang nakalagay sa clapper (January 8) kung saan makikitang nagsagawa umano sila ng shooting, gayong noong January 7 ay hindi dumalo si BBM sa hearing ng kaniyang disqualification case sa Comelec dahil kailangan umano niyang sumailalim sa isolation, dahil sa COVID symptoms noong January 6. Isang medical certificate pa ang nailabas na may petsang January 7.

Ngunit kaagad namang ipinaliwanag ni Direk Paul ang kaniyang panig sa pamamagitan ng tweet, kalakip ang ilang mga litrato. Aniya, totoo na may shoot sila noong January 8 subalit hindi kasama rito sina BBM at Sara. Ang tanging kasama lamang niya ay ang mga staff at crew. Ang nakita umano ng mga netizen ay ang mga nauna na nilang shooting, kaya inakala nilang kasama si BBM sa January 8 shooting.

"The UNITY commercial was shot all over the Philippines for one week. On January 8, 2022, I was in Davao with my staff and crew shooting the Davao portion of the commercial. We were in Brgy. Kapatagan capturing the beauty of Mt. Apo," aniya.

Samantala, marami naman sa mga BBM-Sara supporters ang natuwa na si Toni ang magiging host ng UniTeam proclamation rally dahil mahusay at de-kalibre na raw ito para sa naturang gawain.

Ngunit marami din sa mga kritiko ni Toni ang dismayado dahil isa sa mga ipakikilala nito ang senatorial aspirant na si Rodante Marcoleta na nanguna sa hindi pag-apruba sa pagkakaroon ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN. Sa kasalukuyan ay regular main host si Toni ng reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Adult Edition.

Ang mga PBB hosts na sina Bianca Gonzales, Robi Domingo, at Enchong Dee ay mga tagasuporta naman ni Vice President Leni Robredo.

Habang isinusulat ito, nasa trendling list na si Toni Gonzaga at Philippine Arena.

No description available.
Screengrab mula sa Twitter

Tanong ng marami, makaapekto kaya ito sa kanilang samahan?