Certified "kakampink" ang online sensation na si Yasmin Marie Asistido o mas kilala bilang "Kween Yasmin" sa social media. 

Ibinahagi niya ang kanyang larawan na nakasuot ng kulay pink sa kanyang Facebook account at may caption na: "Let Leni lead."

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Habang sa comment section naman, tinanong niya kung may napansin ba ang mga tao na suot niyang kulay. Hinikayat din niya ang mga netizens na "Let Leni Lead."

"Meron po ba kayo napansin sa suot kong color?" aniya.

"Pink tayo guys let Leni lead," dagdag pa niya.

As of this writing, umabot na sa mahigit 30K ang reaction, 3K comments, 3.2K shares ang naturang post ni Yasmin.

Si Kween Yasmin ay isa sa mga sumikat na online sensation ngayong pandemic. Mayroon nang 118K subscribers ang kanyang YouTube channel at 334K followers naman sa kanyang Facebook.