Hinamon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang kapwa commissioner nitong si Aimee Ferolino na sabay silang mag-resign bago pa man mag Pebrero 3.

Sa isang tweet ni Guanzon, sinabi nitong dapat na silang mag-resign ni Ferolino dahil naku-kwestiyon na ang integridad ng Comelec.

"I challenge Comm Ferrolino, let us resign together before feb 3 since the integrity of the COMELEC is now in question," ani Guanzon.

Naniniwala si Guanzon na may taong ayaw na maging parte ng record ang kanyang opinyon sa disqualification case kontra presidential aspirant Bongbong Marcos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Basahin: Guanzon kay Ferolino: ‘Lahat ng baho natin lalabas’

Ngunit sinabi ni Guanzon na ilalabas nito ang kanyang separate opinion sa Korte Suprema ngayong araw, alas dos ng hapon.

Aniya, "They do not want my separate Opinion to be part of the records so it will not reach the Supreme Ct. So I will release it today at 2PM @SCPh_PIO"

Nakatakdang mag-resign si Guanzon sa Miyerkules, Pebrero 2.