Isiniwalat ni Ryan Bang sa ABS-CBN noontime show na "It's Showtime" na niligawan nito noon ang singer at Tawag ng Tanghalan (TNT) hurado Yeng Constantino.

Pagbabahagi ni Ryan, madalas itong nagpapadala ng kape at inaayang magsimba si Yeng tuwing Linggo.

Ayon pa kay Ryan, hindi siya nagsisimba noong bago niya makilala si Yeng ngunit dahil sa singer, nagsimula na itong magsimba.

"Akala ko ayaw mo sakin. Kasi noong panahon na 'yon, gumigimik kami sila James Reid. Syempre minsan lumalabas ako tuwing gabi. Inaya ko siya ilang beses eh tapos sabi mo… Kasi inaaya ko siya tuwing gabi hindi siya lumalabas. Kaya akala ko ayaw niya sa'kin," pagku-kwento ni Ryan Bang.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nag-komento naman si Vice Ganda sa biglaang paghinto ni Ryan Bang sa panliligaw nito nang hindi nagpapaalam.

Ani Vice, "Huwag papasok sa mundo ng kahit sino na akala niyo walang nangyayari sa kanila, akala niyo walang epekto sa kanila. Kahit sino mang pumasok sa mundo natin, may epekto yun."

Payo ni Vice, kung hihinto man ng panliligaw, siguraduhing magpaalam sa taong nililigawan.

Humingi naman ng pasensya si Ryan Bang at nilinaw na genuine ang panliligaw nito noon.

Aniya, "Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako sayo. Nagtanong ako sayo. Pero 'yung… syempre 'yung nanligaw ako sayo, galing naman talaga sa puso ko 'yun. Ikaw yung pinaka-unang crush ko sa buong buhay ko! Ikaw yun!"

Inakala naman ni Ryan na ayaw ni Yeng sa kanya dahil hindi ito sumasama sa kanya ngunit sumasama si Yeng sa ibang artista tulad nina Richard Poon, na kalaunan ay napag-alaman niyang "worship" ang ginagawa nila.

Hindi naman itinanggi ni Yeng na kinikilig siya noong panahong pinopormahan siya ni Ryan Bang.

Ngayon na may asawa na si Yeng, sinabi nito na swerte ang magiging girlfriend ni Ryan Bang dahil malambing ito.