Mukhang may pinatututsadahan si Saab Magalona sa kanyang tweet nitong Huwebes, Enero 27. Aniya, hindi makakaasa ang public servant na makukuha nito ang tiwala ng mga tao kung nahihiya lamang umano ito mag-post ng kanyang mga nagawa.

"You can't expect to earn the people’s trust if you say na may nagawa ka at nagbigay ka ng tulong pero shy ka lang mag-post. Bilang public servant, trabaho mo yan. Dapat may resibo," ani Saab.

Sinabi rin ni Saab, na hindi "epal" na maging transparent at ang "epal" daw umano ay ang nagpaparamdam lamang tuwing eleksyon.

"Hindi epal maging transparent. Ang epal nagpaparamdam lang tuwing eleksyon," dagdag pa niya na walang binabanggit na pangalan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/saabmagalona/status/1486548089448308736

Hindi lingid sa kaalaman ng mga followers ni Saab na suportado niya ang Leni-Kiko Tandem. Katunayan, nakalagay ang #LeniKiko2022 sa kanyang pangalan sa Twitter.

Sa naganap na "The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda" na umere nitong Miyerkules, sinagot ni Robredo sa “political fast talk” segment ang tanong kung bakit hindi dapat iboto ng taumbayan si Lacson.

Sagot ni Robredo, “Maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa."

Bukod kay Lacson, matapang din na sinagot ni Robredo ang tanong kung bakit hindi dapat iboto ng publiko sina dating Senador Bongbong Marcos, Senador Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno.

Samantala, nag-react si Lacson sa naturang sagot ni Robredo.

Sa tweet ni Lacson, sinabi nitong hindi siya "ma-epal" tuwing tumutulong umano sa publiko.

“Hindi ako kulang sa ‘on the ground’. Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong,” aniya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/26/ping-lacson-nag-react-kay-robredo-hindi-lang-talaga-ako-ma-epal-tuwing-magbibigay-ng-tulong/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/26/ping-lacson-nag-react-kay-robredo-hindi-lang-talaga-ako-ma-epal-tuwing-magbibigay-ng-tulong/

Matapos sagutin ni Lacson ang pahayag ni Robredo may sinabi naman ito tungkol sa tanong ni Boy Abunda na “bakit hindi dapat iboto” ang mga katunggali nito.

“True to his form as a seasoned and sharp-witted interviewer, Boy Abunda’s “WHY NOT VOTE FOR…” question is actually a test of his interviewee’s character,” aniya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/27/lacson-sa-bakit-hindi-dapat-iboto-question-ni-abunda-actually-a-test-of-his-interviewees-character/