Binalaan ng bilangguangCorrectional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang publiko kaugnay ng isang pekeng Facebook account na nagpapanggap bilang opisyal na social media account ng nasabing pasilidad.

“The Correctional Institution for Women wishes to inform the public that the Facebook account posing as ‘Bucor Ciw’ is not being run by any BuCor-CIW personnel,” pahayag ng CIW.

Nilinaw din ng CIW na wala rin silang transaksyon sa pamamagitan ng Gcash, isang sistemang na nagpapahintulot sa sinuman na maaaring gamitin sa pagbabayad ng mga bills, pagpapadala at pagtanggap ng pera at iba pang transaksyong gamit ang mobile cellular phone.

“DO NOT believe any information other than that of the CIW PIO. Kindly report or block the account to prevent the creation of false identities,” panawagan pa ng CIW.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Jeffrey Damicog